DAVAO CITY – Isinilang na ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio si baby boy “Stonefish”, ang pinakabagong karagdagan sa Presidential family, pahayag ng City Information Office kahapon.

Naging maselan ang pagbubuntis ni Mayor Duterte, na inihayag niya noong nakaraang taon.

“At 12:56 noon today, March 2, Mayor Inday Sara Duterte delivered a healthy baby boy,” sabi ni City Information Officer Jefry Tupas sa mga reporter kahapon.

Si Stonefish ay tumitimbang ng 2.42 kilos o 5.3 libra at isinilang sa pamamagitan ng caesarean section.

Politics

VP Sara, walang balak kasuhan si Jaeger Tanco

Si Mayor Inday Sara ay “stable” at “generally fine,” sabi ng asawang si Atty. Manases “Mans” Carpio.

Si Stonefish ang nag-iisang nabuhay sa triplets na lubhang naging maselan habang ipinagbubuntis.

Inihayag ni Mayor Duterte noong nakaraang taon na mababawasan ang kanyang public appearances dahil sa kanyang pagbubuntis.

Gayunpaman, ibinunyag niya pagkatapos ng Sept. 2 Roxas Night Market blast na iisa na lamang ang natitira sa kanyang triplets.

Sinabi ni Mayor Duterte na ang pangatlong sanggol sa kanyang sinapupunan ay malakas na katulad niya.

“In the underwater world, you don’t have to be the largest creature to be the biggest threat. The stonefish, which reaches an average length of 30 to 40 centimetres and up to 2 kg / 5 lbs in weight, is the most venomous fish in the world having venomous sacs on each one of its 13 spines,” sabi ni Duterte.

Ipinapangalan niya ang kanyang mga anak sa sea creatures; si Mikhaila Maria (Sharky) ay pitong taong gulang at si Mateo Lucas (Stingray) ay tatlong taon naman. (Yas D. Ocampo)