kris-copy

NAPAKARAMI pa rin talagang sumusubaybay kay Kris Aquino. Nagpahiwatig lang siya sa kanyang latest post sa social media na magbabalik-telebisyon na siya, hayun at napakarami na namang haka-hakang lumabas.

Umalis ang Queen of All Media sa Kapamilya Network last year pagkatapos pumirma ng management contract sa APT Entertainment.

Naging talk-of-the town ang pagpirma niyang ito kay Mr. Tony Tuviera na kilalang identified sa GMA Network. Tiniyak agad ng maraming showbiz observers na lilipat o babalik siya sa Siyete. Sa GMA-7 nag-umpisa ang TV career ni Kris.

Mga Pagdiriwang

Malacañang, idineklarang regular holiday ang Abril 1

Naglabasan ang mga haka-haka na magkakaroon siya ng morning show pero hindi iyon natuloy. Simula noon, itinuon ni Kris ang kanyang focus sa vlogs sa kanyang Facebook page at sa kanyang lumalawak na food-related investments.

Kung totoo ngang mag-uumpisa na siyang magtrabaho muli, malamang na sa ABS-CBN siya bumalik dahil sa ginamit niyang hashtags. Pero sa kabilang banda, may “where I belong” siyang binanggit.

Kung magbabalik si Kris sa Dos, ang hula ng karamihan ay si Kuya Boy (Abunda) ang namagitan sa usapan ng ABS-CBN management at ng actress-host dahil sa deklarasyon noon pa ng King of Talk na hindi magbabago ang turingan nila ni Kris at magkaibigan pa rin silang dalawa.

BFF sina Kuya Boy at Kris. So, may forever pa pala? (ADOR SALUTA)