LOWER_03022017_EXCOP_ROMERO_2 copy

Tuluyan nang nahuli ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang dating pulis-Pasig na suspek sa tangkang pagpatay kay Christina Decena, dating kinakasama ng aktor na si Philip Salvador, mahigit tatlong taon na ang nakararaan.

Iniharap kahapon sa media ni MPD Director Police chief Supt. Joel Napoleon Coronel ang suspek na si dating Melvin Waga, dating nakatalaga sa Pasig City Police ngunit nag-absent without leave (AWOL), at residente ng Manticao, Misamis Oriental, matapos madakip ng MPD-District Police Intelligence Operations Unit (DPIOU) at Manticao Police Station, dakong 10:50 ng umaga kamakalawa sa naturang lalawigan.

Ayon kay Coronel, inaresto si Waga sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng mga kasong attempted murder (2 counts) at frustrated murder.

Human-Interest

Doktora, iniligtas SUV driver na nawalan ng malay habang nagmamaneho

Base sa record ng hukuman, tinangkang patayin ni Waga si Decena noong Agosto 22, 2013 sa Banawe Street, kanto ng Simon St., Sta. Mesa Heights, Quezon City. (Mary Ann Santiago)