TARLAC CITY – Inireklamo ng isang tomboy ang kinakasama niyang bading dahil sa pagpapabaya umano nito sa kanilang anak sa Barangay Buhilit, Tarlac City.
Sa ulat kay Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, nagharap sa Tarlac City Police ng paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children (RA 9262) ang 21-anyos na lesbian laban kay Tirso Brocales, Jr., 31, manager, nangungupahan sa Bgy. Tibag, Tarlac City.
Ayon sa report, Pebrero 19, 2016 nang umalis ang suspek sa apartment nila ng live-in partner at simula noon ay hindi na rin tumupad ang suspek sa obligasyon nito sa 16 na buwang anak nila. (Leandro Alborote)