Maine 1st anni copy

NGAYONG araw tutuntong sa 22 years old si Maine Mendoza. Hindi pa niya alam kung working birthday ito, pero MWF ang schedule ng taping ng teleserye nila ni Alden Richards na Destined To Be Yours.

Pero okey lang kay Maine kung may trabaho siya. Wala rin siyang malaking birthday dinner, basta kasama lang niya ang kanyang family at closed friends.

Bukas ang birthday celebration niya sa Eat Bulaga. At hindi rin niya alam kung ano ang inihanda ng long-running noontime show para sa kaarawan niya. Hindi rin niya alam kung ano ang sorpresa sa para kanya ni Alden ngayon.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Marami kasi ang nagtatanong kung iyon bang laman ng small box na regalo sa kanya ni Alden last year sa birthday niya, na sabi ni Alden kung ready na siya, ay ito ang magsusuot sa kanya, ay isusuot na ba sa kanya ngayon.

May iba pa kayang birthday gift sa kanya si Alden tulad last year na sinorpresa siya ng Boracay trip kasama ang EB Babes?

Wala rin siyang birthday gift para sa sarili niya.

“Siguro po iyon na lamang ‘Kalye Serye Sa US tour ang magiging gift ko sa sarili ko, kasi nasa Los Angeles, California kami ni Alden at ng tatlong lolas, sina Kuya Jose (Manalo), Kuya Paolo (Ballesteros) at Kuya Wally (Bayola) sa April 9 at sa April 12, sa Brooklyn, New York. Sana po ay makapag-stay pa kami after sa New York, parang iyon na ang summer vacation ko kahit ilang araw lang. Babalik po rin kasi kami agad dito dahil sa taping namin ng Destined To Be Yours. Tamang-tama lang na Holy Week iyong shows namin, kaya wala rin po kaming work dito.”

Kasama sa birthday wish ni Maine ang patuloy na pagsubaybay ng televiewers at ng AlDub Nation ang kanilang teleserye ni Alden. Labis-labis ang pasasalamat nila sa mga tumatangkilik sa kanila here and abroad.

Happy Birthday, Maine and more success! (NORA CALDERON)