KRIS_please don't crop copy copy

KANYA-KAYANG hula ang netizens kung saang TV network eere ang pagbabalik ni Kris Aquino sa telebisyon.

Nag-post kasi ang Queen of All Media sa kanyang social media accounts nitong nakaraang Miyerkules ng gabi ng, “Waited nearly a year, but FINALLY starting something NEW and celebrating with FAITH that my journey is taking me back to where I belong. (Taping starts Friday) #NaMissKoKayo#NaMissKoAngTrabahoKongMahal.”

Ngayong araw ang first taping day ni Kris at dahil sa hashtags niyang “NaMissKoKayo” at “NaMissKoAngTrabahoKongMahal”, maliwanag na babalik na talaga siya sa TV.

May mga nag-analyze sa latest post niya na mala-Kris TV raw ang magiging format ng kanyang bagong programa. Kung sabagay, hindi naman puwedeng angkinin ng iba ang trademark niya.

Lifehacks

Ilang tips para pokus ulit sa trabaho o pag-aaral matapos ang Holy Week break

Marami sa followers ni Kris ang nagkakaisa sa hulang sa GMA-7 na uli siya mapapanood dahil sa “where I belong” na binanggit niya. Dating slogan ng Siyete simula noong 1979 hanggang 2002 ang ‘Where You Belong.’

Malaki ang posibilidad na sa GMA-7 na mapapanood ang bagong programa ni Kris, pero may mga netizen ding pumansin sa hashtag niyang ‘NaMissKoKayo’ na baka raw ang mga katrabaho sa ABS-CBN ang tinutukoy niya.

Pero si Mr. Tony Tuviera na nga ang manager niya ngayon na kilalang partner ng Siyete, kaya siyempre pang sa Kapuso Network siya nito bibigyan ng espasyo.

Ang tanong, anong timeslot kaya ilalagay si Kris?

Matatapos na ba ang youth-oriented show na Trops na nagsimula noong Oktubre 2016? Napabalita bago umere ang Trops noon na sa naturang timeslot, bago mag-Eat Bulaga, mapapanood si Kris.

Editor’s note: Ang matagal nang pinapangarap na travel show ang magiging bagong programa ni Kris, dahil gusto niyang makatulong sa tourism industry at naniniwala siya na kapag nag-boom pang lalo ang turismo sa Pilipinas ay magbibigay ito ng employment sa maraming kababayan natin. Kung anong network, kung kailan ang pilot episode at kung ano ang timeslot? Kinulit ko siya kahapon pero bukas ko na susulatin ang detalye, para may abangan ka, Reggee, ha-ha-ha!

(REGGEE BONOAN)