16903541_10154533422112515_1622198465133157073_o copy

KUNG ang mga taga-Star Cinema ang tatanungin, wala raw sa kanila ang problema sa urong-sulong na sinasabing reunion movie ng tambalang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Inip na inip na kasi ang fans ng Megastar at sila mismo ang nangungulit at tumatawag pa nga sa Star Cinema office para itanong kung matutuloy pa ba o hindi na ang pagbabalik-pelikula niya.

Ayon sa nakausap naming beteranong manunulat na masugid na supporter ni Sharon, noon pa nila inaasahan reunion movie nina Sharon at Gabby pero hindi natutupad at mukhang naunsiyami uli itong huling napabalitang tuloy na.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang tuluyang pagkalas ng Pilipinas sa ICC noong Marso 17, 2019

“Ang sabi nila last year, eh, uumpisahan na raw ng August pero hindi raw umubra dahil sabi nila medyo mataba pa raw si Mega. ‘Tapos nang mapansin siguro nila na medyo malaki na ang ibinawas na timbang ni Sharon, eh, sabi nila, sigurado na raw na magso-shooting na siya,” himutok ng kausap namin.

Si Richard Gomez daw ay napag-usapan din noon na ipapareha sa comeback movie ng aktres, pero hindi nangyari dahil mas pinaboran ni Goma ang obligasyon nito bilang bagong mayor ng Ormoc.

Pinagbalakan din daw na isama si Sharon sa pelikula ng sikat na love team pero hindi nangyari dahil nagkaroon ng problema.

Lumakas uli ang ugong ng Sharon-Gabby reunion movie pero hindi pa rin mauumpisahan. Ayon daw sa kampo ng huli ay tatapusin muna ang seryeng ginagawa nito sa GMA-7.

Exclusive contract ang pinirmahan ni Gabby sa Kapuso Network at medyo tatagal pa raw ang seryeng ginagawa nito. Kaya pagkatapos pa ng serye magkakaroon ng negosasyon between Gabby at Star Cinema, huh!

Si Gabby ang bidang lalaki sa Kapuso afternoon series na Ika-6 Na Utos, siya ang pinag-aagawan nina Sunshine Dizon at Ryza Cenon. Kaya nahihiya raw si Gabby na magpaalam sa Siyete na gagawa siya ng movie sa Star Cinema.

So, si Gabby ang cause of delay ng reunion movie nila ni Sharon. (JIMI ESCALA)