Isasalang na sa paglilitis ng Sandiganbayan si dating Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) Chairman Efraim Genuino sa kasong perjury kaugnay ng maling deklarasyon nito sa kanyang Statement of Assets and Liabilities Networth (SALN) noong 2002-2005.

Ito ay makaraang makitaan ng probable cause ng 3rd Division ng anti-graft court ang kinakaharap ni Genuino na apat na bilang ng perjury.

Tinukoy ng prosekusyon ang hindi pagdedeklara ni Genuino ng kanyang apat na lupain sa Bangkal, Makati City; Tunasan, Muntinlupa City; at Los Baños at Sta. Rosa sa Laguna. (Rommel P. Tabbad)

Relasyon at Hiwalayan

Priscilla, open maka-work si John pero 'di bet magpatuka