BAUAN, Batangas - Sugatan ang isang 41-anyos na helper matapos umanong barilin ng kanyang inutangan sa Bauan, Batangas.

Nilalapatan pa ng lunas sa ospital si Armando Andres matapos mabaril sa kanang balikat, habang nakatakas naman ang suspek na si Celso Hernandez, kapwa taga-Barangay Cupang, Bauan.

Ayon sa report ni PO2 Denver Claveria, dakong 1:00 ng hapon nitong Miyerkules nang kinumpronta ng suspek ang biktima tungkol sa utang ng huli, na nauwi sa pamamaril. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?