NANGHIHINAYANG si Arjo Atayde na hindi niya personal na natanggap ang Best Actor trophy para sa FPJ’s Ang Probinsyano mula sa Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS).

Hindi kasi puwedeng umalis si Arjo sa taping ng FPJAP dahil ‘hand to mouth’ na ang production sa show nila.

Ang executive producer ng programa ang tumanggap ng tropeo ng aktor at binasa na lang nito ang mensaheng ipinadala niya.

Paliwanag ni Arjo, “Pasensiya na po at hindi ako makakapunta, kahit gustuhin ko po meron po talagang trabaho ngayong araw. Kaya maraming-maraming salamat po sa lahat ng bumubuo ng GEMS, isa po itong karangalan na hinding-hindi ko makakalimutan dahil sa rami ng magagaling na artista, ako po ang napili n’yo. Sa lahat po ng mga guro at estudyante, maraming-maraming salamat po. Ito po ang pinakauna kong Best Actor award at dahil sa blessing na ibinigay n’yo sa akin kaya mas lalo ko pong pag-iigihan ang trabahong ibinigay sa akin. Sana po patuloy n’yong maging inspirasyon sa lahat ang bawat kuwentong ibibigay ng Ang Probinsyano. Mabuhay GEMS and more power to all and more blessings po sa lahat ng nandito, mahal ko kayo. Maraming-maraming salamat po ulit!”

Patalastas

Nadine nagmistulang Mother Earth, nanawagang maging 'vegan'

Nang pauwi na kami kasama ang grupo ni Ibyang ay panay ang text ni Arjo sa ina, excited na raw siyang umuwi para makita at mahawakan ang tropeong ipinagkaloob sa kanya. (Reggee Bonoan)