Bangkay nang dinatnan sa loob ng kanilang bahay ang tatlong magkakapatid na paslit makaraang isa-isang patayin ng umano’y sarili nilang ina sa Barangay Caliguian, Burgos, Isabela.

Kinilala ang mga pinaslang na sina Adam McWane Foronda, 3; Stephen Dane Foronda, 2; at Shansa Sara Foronda, tatlong buwan, na sinasabing isa-isang pinatay ng sarili nilang ina na si Marilyn Foronda, 35, pawang taga-Bgy. Caliguian, Burgos.

Ayon sa ulat ng Burgos Police, pinatay ng suspek sa sakal ang kanyang mga anak.

Posible umanong isinagawa ang pagpatay nitong Miyerkules hanggang kahapon.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Ang panganay at dalagang anak ng suspek ang nakabatid sa pagpatay sa kanyang mga kapatid at nagsumbong sa isang kapitbahay bandang 10:20 ng umaga kahapon.

Naaresto na kahapon ang suspek at nahaharap sa kasong parricide. (Liezle Basa Iñigo)