Pansamantalang makalalaya si Supt. Hansel Marantan at iba pang mga akusado sa binansagang “Atimonan Rubout” sa lalawigan ng Quezon noong Enero 6, 2013.

Ito ay makaraang payagang makapagpiyansa ang 12 akusado sa kaso, batay sa kautusan nitong Miyerkules ng Manila Regional Trial Court Branch 34.

Sa resolusyon na may petsang Pebrero 28, 2017 at pirmado ni Presiding Judge Liwliwa Hidalgo-Bucu, pinaboran ng hukuman ang petition for bail ni Marantan at ng iba pang akusado na sina Supt. Ramon Balauag, Chief Insp. Grant Gollod, Senior Insp. John Paolo Carracedo, Senior Insp. Timoteo Orig, SPO3 Joselito De Guzman, SPO1 Carlo Cataquiz, SPO1 Arturo Sarmiento, PO3 Eduardo Oronan, PO2 Nelson Indal, PO1 Wryan Sardea at PO1 Rodel Talento.

Itinakda ng hukuman ang P300,000 piyansa para sa bawat akusado.

Ang mga akusado ay ipinagharap ng multiple murder ng Department of Justice.

Probinsya

Grade 10 student sa Iloilo, nakumpiskahan ng baril

Matatandaan na 13 katao ang nasawi nang harangin ng grupo ni Marantan sa isang checkpoint sa Atimonan ang dalawang SUV, na kinalululanan din ng umano’y jueteng lord na si Vic Siman. (Beth Camia)