BATANGAS CITY - Arestado ang most wanted sa bayan ng Laua-an sa Antique sa operasyon ng Oplan Lambat Sibat ng mga awtoridad sa Batangas City, nitong Martes.

Halos 15 taong nagtago si Rolly Pacete, 48, tubong Barangay Leon, Laua-An, at kasalukuyang naninirahan sa Mandaluyong City.

Ayon kay Batangas City Police chief, Supt. Barnard Danie Dasugo, dakong 11:50 ng gabi nang maaresto si Pacete ng pinagsanib-puwersang Batangas City Police, Laua-An Municipal Police at Philippine Coast Guard (PCG) sa Bgy. Sta Clara, Batangas City.

Sakay sa bus patungong Alabang, Muntinlupa City si Pacete nang arestuhin sa Batangas Port, ayon kay Supt. Dasugo.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Nahaharap si Pacete sa kasong murder bilang isa sa mga pumatay sa isang alyas Junior noong Agosto 2001 sa Laua-An.

(Lyka Manalo)