MAY bagong boyfriend si Valerie Concepcion at hindi niya ito itinatago. Sa katunayan, ipinopost niya ang pictures nila sa Instagram (IG). Hindi pinangalanan ni Valerie ang BF, pero mukhang tisoy at kahit kalbo, labas pa rin ang kaguwapuhan.

Comment ng ilang netizens na nakakita sa pictures ni Valerie at ng nobyo, mukhang Fil-American ito o baka pure American o may ibang lahi. Iba kasi ang hilatsa ng mukha, tipong foreigner nga.

Dahil may bagong boyfriend, ibig sabihin, break na sila ng lawyer na nakarelasyon ni Valerie. Matatandaan na naging controversial ang relssyong iyon dahil hiwalay sa asawa ang lalaki at ayaw daw kay Valerie ang mga anak nito.

At least sa bagong boyfriend, mukhang walang maghahabol dahil wala pa yatang asawa ang lalaki. (Nitz Mirralles)

Zeinab, mas iba ang ganda ngayon dahil may 'dilig' na tama