ANG mga pagpatay ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa drug pushers at users kaugnay ng giyera sa illegal drugs ng Duterte administration ay awtorisado umano ng PNP. Ito ay ibinunyag ni human rights lawyer Jose Manuel Diokno, chairman ng Free Legal Assistance Group (FLAG).

Ayon kay Diokno, anak ng nationalist at democracy icon ex-Sen. Jose “Ka Pepe” W. Diokno na lumaban sa diktador na si Marcos kasama sina ex-Sens. Lorenzo Tanada, Rene Saguisag, Joker Arroyo, Francisco “Soc” Rodrigo, Ninoy Aquino at iba pa, si PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ay nag-isyu ng circular na maliwanag na nag-aawtorisa sa pagpatay.

Bilang patunay, ayon kay Diokno, ang PNP circular ay gumamit ng mga salitang “neutralization” nang limang beses at “negation” nang dalawang beses. “It does not calll for their prosecution, or conviction but neutralization and in police parlance, neutralization only means one thing. And that is to kill.” Gayunman, kinontra ito ni PNP spokesperson Sr. Supt. Dionardo Carlos, at sinabing mali ang interprestasyon ni Diokno sa salitang “neutralization.”

Ayon kay Carlos, dapat ay ibigay ni Diokno ang kahulugan ng “neutralization”. Para sa kanila, hindi ilegal o labag sa batas ang kanilang memo. Sinabi ni Diokno ang Memorandum Circular No. 16-2016 ay inisyu noong Hulyo 1, 2016 kaugnay ng Oplan Double Barrel. May 7,000 drug suspect na ang napatay sapul nang iutos ni President Rodrigo Roa Duterte ang kampanya laban sa illegal drugs.

Night Owl

Isang pribilehiyong maging bahagi ng 125 taong kasaysayan ng Manila Bulletin

Itinanggi ng local government units (LGUs) na nasa ilalim ni DILG Sec. Ismael Sueno na inatasang dumalo sa Luneta noong Pebrero 25 bilang suporta kay Pangulong Duterte ang mga kawani at pinuno ng LGUs. Ito ay katapat ng People Power celebration sa ika-31 anibersaryo ng Edsa People Revolt noong 1986 na dinaluhan nina Fidel V. Ramos, Juan Ponce Enrile, Gringo Honasan, at mga sumuporta sa pagpapatalsik kay ex-Pres. Marcos.

Sinabi ni DILG Usec. John Castriciones, hinikayat lang nila ang mga tao na sumama sa pagtitipon sa Rizal Park para suportahan ang pro-administration rally. May hinala kasi na ang mga dumalo ay pinilit magtungo sa Luneta para suportahan si Duterte, kabilang ang beneficiaries ng Conditional Cash Transfer Program, at ang mga empleyado ng pamahalaan. Sa memo ni Sueno, hinihimok lamang ang mga lokal na opisyal na suportahan ang rally na ang layunin ay tulungan ang administrasyon na mapawi ang kahirapan, kurapsiyon at illegal drugs. (Bert de Guzman)