LIPA CITY, Batangas - Nasa kalahating milyong pisong cash ang natangay ng hindi nakilalang suspek mula sa isang negosyanteng Korean matapos na basagin ang salamin ng bintana at pagnakawan ang kotse nito habang nakaparada sa labas ng pag-aaring restaurant sa Lipa City, Batangas, nitong Martes.

Ayon sa report ni SPO1 Ronilo Balita, dakong 9:00 ng gabi nang iparada ni Sung Jin Kim, 55, ang kanyang Chrysler Sedan (NIU-530) sa parking area ng Gang Nam Korean Restaurant sa Barangay Marawouy.

Nang balikan ng biktima ang kanyang sasakyan makalipas ang ilang minuto ay nadiskubre niyang binasag ang salamin ng bintana ng kanyang kotse at wala na ang kanyang asul na bag na naglalaman ng P500,000 cash, mga ID at ilang credit card. (Lyka Manalo)

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki