LINGAYEN, Pangasinan - Posibleng holdap ang pakay ng suspek sa pamamaril sa isang negosyante, na kalaunan ay nadiskubreng nawawalan ng pera.
Ayon sa report ng Lingayen Police, ganap na 4:00 ng umaga nitong Martes nang pagbabarilin si Donald Dominguez, 38, sa Barangay Domalandan East sa Lingayen.
Sinasabing galing si Dominguez sa kanyang bahay sakay sa scooter at patungo sa kanyang puwesto sa palengke nang tapatan siya ng suspek na sakay sa kotse at pagbabarilin.
Nawawala rin ang 28,000 cash na dala ng biktima. (Liezle Basa Iñigo)