MEXICO CITY (AP) – Sinabi ng pinakamataas na diplomat ng Mexico na hindi magdadalawang-isip ang kanyang bansa na idulog ang isyu ng migrant rights sa United Nations high commissioner for human rights kapag nilabag ng United States ang kanilang mga karapatan.

Sinabi ni Foreign Relations Secretary Luis Videgaray noong Martes na nagdaos ang Mexico ng working meeting sa opisina ng UN.

Nangako si US President Donald Trump na paigtingin ang mga deportasyon, at ayon sa ilang aktibista ay nilalabag ng mga US agent ang karapatan ng mga migrante sa due process.

Idiniin ni Videgaray sa Mexican Senate na ipinabatid na niya sa mga opisyal ng US na hindi tatanggapin ng Mexico ang deportees mula sa ikatlong bansa. Batay sa pahayag ng US security policy, may posibilidad na ipatatapon pabalik sa Mexico ang mga hindi Mexican kapag pumasok sila sa US mula sa nasabing bansa.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina