Mas maraming Pilipino sa Metro Manila ang natanggap sa trabaho kumpara sa mga nawalan ng trabaho sa third quarter ng 2016, inihayag ng Department of Labor and Employment (DoLE).
Batay sa ulat ng LabStat ng Philippine Statistics Authority, pinakamataas ang naitalang labor turnover rate sa pangunahing enterprises sa Metro Manila sa third quarter ng 2016 sa 3.67 porsiyento simula 2011.
Makikita rin sa datos ng PSA na mas mataas ng tatlong beses ang expansion rate kumpara sa replacement rate. Ang rate of accession o pagkuha ng bagong empleyado ay nasa 14.10% kumpara sa separation rate na 10.43%. Ito ay nangangahulugan na sa kada 1,000 manggagawang may trabaho, 37 manggagawa ang nadagdag sa enterprise workforce.
Sa bawat 1,000 manggagawa nagtatrabaho, 141 ang nadagdag dahil sa expansion o replacement samantalang 104 manggagawa ang tinanggal o umalis sa trabaho. (Mina Navarro)