ARJO AT COCO copy

WALANG idea si Coco Martin kung hanggang kailan eere ang FPJ’s Ang Probinsiyano. Ang pinagkakaabalahan niya ay kung paano magpapatuloy ang magaganda at exciting episodes na handog nila sa lahat.

On it’s 17th month sa ere, nananatiling number one sa ratings war kaya mukhang hindi mangyayari ang sinasabi dati na tatapusin na ito ngayong early 2017.

“ Sa totoo lang naman, eh, wala pa kaming alam kung kailan kami matatapos. Basta for now tuluy-tuloy lang kami,” sabi ni Coco na tiniyak na mas magugustuhan ng televiewers ang mga susunod nilang episode.

Mga Pagdiriwang

Malacañang, idineklarang regular holiday ang Abril 1

“Napakarami pang puwedeng pag-usapan na mga isyu dito sa mga nangyayari sa Pilipinas. Lahat ng mga rebelasyon, eh, dire-diretso na pong mabubunyag. Talagang mas lalo pa naming pagagandahin ang kuwento, mas marami pa po kaming igi-guest sa show,” banggit pa ng Primetime King.

Dagdag pa ni Coco, hangga’t gusto sila ng mga manonood ay patuloy pa rin silang maghahandog ng magagandang kuwento sa FPJ’s Ang Probinsiyano.

“Basta habang gusto pa po kami nila, eh, nandiyan pa po kami para sa kanila,” sey ng aktor.

Inaabangan ngayong linggo ang face off nina Coco at Arjo Atayde, kaya tiyak na hindi bibitaw ang lahat ng tagasubaybay nila.

Sa post ni Arjo sa Instagram, nami-miss na raw niyang makaeksena muli si Coco.

“Sa totoo lang, na-miss kita kaeksena, bro. Masaya akong naka-bonding uli kita,” post ni Arjo with matching picture nila ni Coco. (JIMI ESCALA)