Nagtangka umanong tumalon mula sa isang gusali ang isang Indian sa Pasay City, nitong Martes ng gabi.

Patuloy pang inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng lalaking dayuhan na nasagip ng Pasay Rescue Team.

Sa ulat ni Michael Calma, ng Pasay City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), dakong 9:29 ng gabi nang umakyat ang dayuhan sa tuktok ng Villaruel Tower, Villaruel Street.

Agad tumawag si PO3 Bulaclac, ng Police Community Precinct (PCP) Station 3, sa Station Tactical Operation Center (STOC) at humingi ng tulong sa Pasay Rescue Team kaugnay ng tangkang pagpapakamatay ng Indian.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Mabilis na rumesponde ang mga pulis at rescue team sa lugar at pinayapa ang kalooban ng dayuhan.

Hindi na idinetalye ng pulisya ang dahilan ng Indian sa tangka nitong pagpapakamatay na masuwerteng napigilan at naagapan. (Bella Gamotea)