Isinailalim sa pinal na pagsusuri ang 48 bagong bagon ng Metro Rail Transit (MRT) na ibibiyahe na bago matapos ang buwang ito.
Ayon sa pamunuan ng MRT, limang araw na susubukan ang signaling system ng mga bagong Dalian train mula China.
Sinimulan ang huling pagsusuri nitong Martes ng gabi sa pangangasiwa ng mga engineer ng Bombardier, ang supplier signaling system ng MRT, katuwang ang mga engineer ng Dalian China.
Unang ibiniyahe ang mga bagong tren noong Mayo 2016 subalit itinigil dahil walang signaling system. Natapos ang pagkabit ng upgraded signaling system sa mga bagong tren nitong Pebrero 15. (Bella Gamotea)