ZAMBOANGA CITY – Pinagbabaril at napatay ng apat na hinihinalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang isang sundalo sa Sirawai, Zamboanga del Norte, kahapon ng umaga.

Sa police report, kinilala ang sundalo na si Technical Sargent Zaldy Caling, 42, may asawa, at tauhan ng 13th Special Forces ng Philippine Army na nakatalaga sa Narra Detachment sa Barangay San Vicente sa Sirawai, Zamboanga del Norte.

Ayon sa pulisya, minamaneho ni Caling ang kanyang motorsiklo habang angkas si Dandan Lacsayao, miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU), patungong Sirawai nang pagbabarilin sila ng apat na armadong lalaki, gamit ang .45 caliber pistol, bandang 7:00 ng umaga.

Kaagad na namatay si Caling habang nasugatan naman si Lacsayao, ayon sa police report. (Nonoy E. Lacson)

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City