DASOL, Pangasinan – Isang matandang dalaga ang natagpuang patay makaraang lasunin ang sarili sa Barangay Bobonot sa Dasol, Pangasinan.
Wala nang buhay si Jolyn Agurin Fagkangan, 45, nang nadiskubre ng kamag-anak niyang si Deanne Fagkangan Fat-ogan, 18, estudyante, sa bahay nito sa Purok 4, Bgy. Bobonot sa Dasol, bandang 8:00 ng umaga nitong Lunes.
Sinasabing uminom ng lason ang dalaga, bagamat hindi matukoy ang posibleng dahilan ng pagpapatiwakal niya.
(Liezle Basa Iñigo)