Hindi pa tiyak kung matutuloy ang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs sa testimonya ni retired SPO3 Arthur Lascañas.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, pinuno ng komite, itinakda niya sa Lunes o Martes ang pagdinig, pero marami pa ang puwedeng mangyari mula ngayon hanggang sa susunod na linggo.

Magugunita na tumutol si Senator Richard Gordon, chairperson ng Senate Committee on Justice and Human Rights, at iginiit na nagsinungaling si Lascañas sa unang pagdinig. Kinatigan naman ito nina Sen. Juan Miguel Zubiri at Sen. Manny Pacquiao.

“Remember nag-privilege speech si Sen. Gordon. Nag-interpellate and manifest si Sen. Allan Cayetano, na-refer ito sa rules. At ang kinukuwestiyon doon ang referral ng manifestation ni Sen. (Antonio) Trillanes sa committee. So kung hindi magkakaroon ng ruling at ito mananatili sa rules committee, sa akin naka-refer. Sabi ni SP (Senate President), in the meantime naka-refer sa public order, status quo naman,” paliwanag ni Lacson. (Leonel M. Abasola)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'