Robi at Sandara copy

MARIING itinanggi ni Robi Domingo ang isyung brokenhearted raw siya dahil sa napabalitang hiwalayan nila ni Gretchen Ho.

Masaya raw siya sa takbo ng buhay niya ngayon, at ito ay dahil sa mga taong nagbibigay sa kanya ng inspirasyon araw-araw.

“Well, walang puwang ang kalungkutan sa puso ko ngayon. Out ‘yan. Bakit ako magiging brokenhearted na sa totoo lang, eh, ngayon talaga, punong-puno ng pagmamahal at happiness ako,” napatawang banggit ng mahusay na TV host.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day, kailan nga ba nagsimula?

Iniiwasan ni Robi ang tanong namin hinggil sa pagkaka-link niya kay Sandara Park. May kumakalat kasing isyu na nililigawan ni Robi ang Korean pop star, at ito raw ang dahilan ng hiwalayan nila ni Gretchen.

Samantala, wala ring diretsahang sagot tungkol sa isyung ito si Sandara sa isang interview.

“Ay, hindi ko alam. Basta friends kami. ‘Tsaka marami naman akong friends dito sa Philippines, at isa na d’yan si Robi. Yes, he’s very mabait na kaibigan,” sey pa ni Sandara.

So, may something? (JIMI ESCALA)