HINDI pala sa cast ng Mulawin vs. Ravena makakasama si Rhian Ramos kundi sa My Love From The Star.

Mas mapapaaga ang pagbabalik-serye ng dalaga dahil sa March na ang airing ng MLTFS, samantalang sa April pa ang Mulawin vs. Ravena.

Gagampanan ni Rhian ang role ni Rachel, isang aktres na may malaking kinalaman kay Steffi Cheo (Jennylyn Mercado).

Mukhang nakapag-taping na si Rhian dahil may nakita kaming picture niya kasama si Jackie Rice na nasa cast din ng Pinoy adaptation ng hit koreanovela.

Tsika at Intriga

Sen. Win Gatchalian, pasimpleng kinumpirma hiwalayan nila ni Bianca Manalo?

Ang MLFTS ang unang project ni Rhian sa bago niyang kontrata sa GMA-7 na kare-renew lang kamakailan. Second regular show na niya ito dahil napapanood din siya sa Taste Buddies kasama si Solenn Heussaff. (Nitz Miralles)