Patay ang isang tatlong taong gulang na lalaki nang aksidenteng mabagsakan ng gumuhong hollow blocks na gagamitin sana sa renobasyon ng tahanan ng kanilang kapitbahay sa Sta. Mesa, Maynila, iniulat kahapon.

Sinubukan pang isalba ng mga doktor ang biktima, ng San Roque Street, Old Sta. Mesa, Maynila, ngunit namatay ito dahil sa pagkakabasag ng kanyang bungo.

Sa ulat ni PO3 Aldeen Legaspi, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), bandang 1:20 ng hapon nitong Lunes ay naglalaro ang biktima malapit sa kanilang tahanan nang aksidenteng mabagsakan ng mga nakasalansang hollow blocks.

Nawalan umano ng malay ang biktima nang mabagsakan ng mga bato kaya agad itong isinugod sa ospital ngunit hindi na umabot nang buhay. (Mary Ann Santiago)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?