Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa muling pagbabalik ng anti-drug war, ipinag-utos na ng ilang commander na simulan ang pagpili sa mga pulis na morally at physically fit para sa kampanya kontra ilegal na droga.

Hindi nagbigay ng eksaktong petsa si PNP Chief Director General Ronald dela Rosa, pero sinabing handa na sila ano mang oras.

“We will be informed if we will go back to the war on drugs. We will be informed in due time,” ayon kay Dela Rosa.

Una nang nagpahaging si Pangulong Duterte sa pagbuhay sa nasabing kampanya kasabay ng mga panawagan na ipagpatuloy ang inihintong kampanya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We will make sure that we are going to choose, that those who would be involved are carefully and meticulously selected,” paniniguro ni Dela Rosa.

Ipinaliwanag niya na hindi sila mahihirapang maghanap ng mga pulis na may integridad upang makatulong sa laban sa ilegal na droga at sinabing maraming mabubuting pulis.

Ito ay sa kabila ng dating pahayag ni Duterte na 40 porsiyento ng 160,000 miyembro ng PNP ay corrupt.

(Aaron Recuenco)