Iniulat kahapon na malubha ang lagay ng isang apat na taong gulang na lalaki na sinabuyan ng gasolina at sinilaban ng lasing niyang ama sa Malinao, Aklan, nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa ulat ng Aklan Police Provincial Office (APPO), habang sinusulat ang balitang ito ay inoobserbahan sa Intensive Care Unit ng Aklan Provincial Hospital ang batang lalaki na nagtamo ng mga paso sa braso, paa at iba pang bahagi ng katawan.

Nadakip naman ng pulisya ang suspek na si Russel Zausa, 37, ng Barangay Bulabud, Malinao, Aklan, na hindi makausap nang matino dahil sa sobrang kalasingan.

Ayon kay PO3 Claire Catuiran, ng Women’s and Children’s Desk ng Malinao Police, umuwing lasing ang suspek at nakipagtalo sa misis nito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa gitna ng pag-aaway ng mag-asawa ay nagwala ang suspek, kinuha ang isang plastic container ng gasolina at sinabuyan nito ang noon ay nahihimbing na anak bago sinilaban.

Mabilis na kumalat ang apoy sa loob ng bahay, at sa tulong ng mga kapitbahay ay kaagad ding naapula. (Fer Taboy)