290217_NBI_03_vicoy_PAGE 2 copy

Naninindigan si Lalaine Madrigal-Martinez, asawa ng isa sa mga high-profile inmate na tumestigo laban kay Senator Leila de Lima, sa ibinunyag niya kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na may nag-alok ng P100 milyon upang bawiin ng mga bilanggo ang testimonya ng mga ito laban sa senadora.

“Basta sa akin, sir, about doon sa P100 million na iyon, pinaninindigan ko po ‘yon, dahil meron po akong ebidensiya laban doon at meron po akong recording,” sinabi ni Martinez sa press briefing sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes ng gabi.

“Ngayon po ay ipinauubaya ko po sa NBI ang pag-iimbestiga tungkol sa aking mga nalalaman po,” dagdag ni Martinez, na misis ng convicted kidnapper na si Noel Martinez, isa sa mga high-profile inmate na tumestigo laban kay De Lima.

Trending

'7 years over 2 weeks:' Girlfriend, pinagpalit umano ng boyfriend niya sa co-teacher nito

Kaugnay nito, pinagkalooban na ng seguridad ng NBI ang ginang makaraang tambangan umano sa Makati City nitong Pebrero 23.

Ayon kay NBI Deputy Director at Spokesperson Ferdinand Lavin, may security arrangement nang ipinatutupad ang kawanihan para sa ginang, na dalawang-buwang buntis. (Jeffrey Damicog at Beth Camia)