MORALES copy

NAGHIHINTAY na ang sambayanan para sa koronasyon ni Jan Paul Morales bilang back-to-back champion sa pamosong LBC Ronda Pilipinas.

Sa kabila nito, tikom pa rin ang biibig ng pambato ng Philippine Navy-Standard Insurance sa posibilidad na kasaysayang kanyang malilikha, higit ang katotohanan na may nalalabi pang tatlong stage na sisimulan sa Huwebes para sa Stage 12 Individual Time Trial sa Guimaras.

Matapos nito, sasabak sila sa Stage 13 209-km Iloilo-Antique-Iloilo Stage at 50-km Stage 14 criterium.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

"Sabi nila sure na ito. Pero sabi ko, antayin muna nating matapos ang ITT sa Guimaras. Kung walang maging aberya, tingin ko akin na ito,” pahayag ni Morales.

Sa kabuuan ng 11 stage, tangan ng pambato ng Calumpang, Marikina City ang tyempong 37 oras, 25 minuto at 56 segundo, halos dalawang minuto ang bentahe sa bumubuntot na kasangga na si Navyman Rudy Roque (37:28:11).

Maging si Roque, 25, ay naniniwalang kay Morales na ang titulo kung walang magiging problema sa Stage 12.

"Tignan natin. Basta kami, magbabantay lang. Kung makita naming may makakasingit, kikilos kami para maprotektahan si Morales,” sambit ni Roque, pambato ng Tipo, Bataan.

Tanging si Cris Joven ng Kinetix Lab-Army, kasalukuyang No.3 (37:37:03) ang may tyansa na makagawa ng pagbabago sa nilulutong script, habang nakabuntot sina Go for Gold's Bryant Sepnio (37:41:33); at RC Cola-NCR's Lionel Dimaano (37:46:05).

Kabilang sa Top 10 sina Ilocos Sur's Ryan Serapio at Navy's Daniel Ven Carino at skipper Lloyd Lucien Reynante sa tyempong 37:47:16, 37:48:28 at 37:48:43, ayon sa pagkakasunod, gayundin sina Navy's Ronald Lomotos (37:48:45) at Kinetix Lab-Army's Reynaldo Navarro (37:49:49).

Tumataginting na P1 milyon ang premyo sa individual champion kaloob ng presentor LBC, sa pakikipagtulungan ng MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Partas, Maynilad, Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCycling at 3Q Sports Event Management.