INIHAYAG ng SpaceX na maghahatid sila ng dalawang space tourist patungong buwan sa huling bahagi ng 2018. Tutungo ang spacecraft sa natural satellite ng planeta bago bumalik sa Earth.

“Like the Apollo astronauts before them, these individuals will travel into space carrying the hopes and dreams of all humankind, driven by the universal human spirit of exploration,” ayon sa pribadong spaceflight na kumpanya.

Ihahatid ang dalawang pasahero, kasama ang isang propesyunal na astronaut, mula sa Kennedy Space Center (kaparehong lugar na ginamit sa Apollo program), ayon sa SpaceX, at ang kanilang Crew Dragon spacecraft ay lilipad patungo sa International Space Station.

Mula rito, tutungo ang Crew Dragon sa buwan, at maglalakbay sa celestial body bago bumalik sa Earth sa 400,000 milya ang layo, sapat na para umikot na 16 na beses sa ating planeta.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Ang Diyos na nagpapala sa mga gawa ng ating mga kamay

“This presents an opportunity for humans to return to deep space for the first time in 45 years and they will travel faster and further into the Solar System than any before them,” saad sa pahayag.

Hindi pinangalanan ang dalawang turista, bagamat ibinunyag ni SpaceX CEO Elon Musk na sila ay “nobody from Hollywood.”

Magsisimula ngayong taon ang testing at training para sa kanilang paglalakbay sa labas ng planeta. Inihayag ni Musk na binalaan na niya ang dalawa, bilang sila ang mga pioneer, na dapat maging “ready to die” kung may maling mangyari.

Tiwala si Musk tungkol sa misyon at positibo tungkol sa magiging epekto nito sa sangkatauhan. “I think this should be a really exciting mission that gets the world really excited about sending people into deep space again,” aniya sa Spacenews. “I think it should be super inspirational.”

Noong 2015, inihayag ng Space Adventures ang kanilang pagnanais na makagawa ng lunar tours para sa sobrang mayayaman na sumakay sa Soyuz spacecraft. Bagamat hindi binanggit ang eksaktong halaga para sa misyon, ang mga dating tampok sa lunar tourism ay tinatayang umaabot sa $150-750 million ang bawat upuan.

Kaya pinapayuhan na magsimulang mag-impok ang mga taong nais makita ang buwan na malapitan. (PNA)