Sinimulan na ng House Committee on Mindanao Affairs ang pagsusuri sa budget na ilalaan sa Mindanao sa 2018 upang matiyak na kumpleto ang fiscal programs ng rehiyon bago ito isumite sa Department of Budget and Management (DBM).

Sinabi ni Cagayan de Oro City Rep. Maximo B. Rodriguez Jr., committee chairman, na bawat ahensiya ng pamahalaan ay dapat maglaan ng 30 porsiyento ng budget nito mula sa total budget sa Mindanao.

Hinimok naman ni Davao City 3rd District Rep. Alberto T. Ungab ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na magsagawa ng konsultasyon sa grassroots level bago gawin ang taunang budgetary proposals. (Bert de Guzman)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?