GERONA, Tarlac - Halos maligo sa sariling dugo ang isang barangay chairman makaraang bistayin ng bala ng mga hindi nakilalang armado sa Barangay Dicolor, Gerona, Tarlac, kahapon ng madaling araw.
Nagtamo ng malubhang tama ng bala sa likod at sa iba pang parte ng katawan at agad na binawian ng buhay si Bernard Visaya, 46, may asawa, chairman ng Bgy. Dicolor.
Sa follow-up investigation ni PO2 Christian Rirao, dakong 4:30 ng umaga at pauwi si Visaya sakay sa Toyota Hilux (SLF-889) nang pagbabarilin siya ng riding-in-tandem.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang. (Leandro Alborote)