LAUR, Nueva Ecija - Nabahiran ng dugo ang pamumulak ng kawayang Bayog makaraang mauwi sa tagaan ang pagtatalo ng dalawang magsasaka sa Barangay Nauzon sa Laur, Nueva Ecija.
Kaagad na namatay si Leopoldo Calawagan Jr., y Damayas, 42, taga-Bgy. Nauzon, matapos siyang pagtatagain ni Virgilio Vino y Torres, 62, ng Bgy. San Isidro, Laur, sa kainitan ng pagtatalo nila tungkol sa pagpulak ng mga kawayan.
Dakong 10:00 ng umaga nitong Pebrero 25 nang nagtungo si Vino sa kanyang bukirin para mamutol ng kawayan na umano’y pag-aari ni Calawagan hanggang sa magkaroon sila ng kumprontasyon na nauwi sa pananaga ng una sa biktima.
Naaresto ang suspek at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya. (Light A. Nolasco)