NAPILI noong 2016 ang documentary na Warmer ng ABS-CBN news na anchored ng news correspondent na si Atom Araullo (Alfonso Tomas Araullo, sa tunay na buhay) bilang isa sa finalists sa climate change and sustainability category sa New York Festivals Awards for international TV programs and films.

Sa Abril 25 na ang announcement of winners nito na gaganapin sa Las Vegas.

Ang documentary segment na Warmer ay tungkol sa rapid effects ng global warming na tinalakay mula sa perspektibo ng dalawang magkaibang bansa, ang Pilipinas at ang Norway.

Ang two-part documentary na ito ay muling mapapanood sa Marso 17-18, 8 PM sa ANC. (ADOR SALUTA)
Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'