Umalma ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa balitang pinilit ng ahensiya ang mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na dumalo sa pro-Duterte rally sa Luneta noong Sabado.

Depensa ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo, wala siyang natatanggap na ulat tungkol dito, at kung totoo man ito ay mag-iimbestiga sila upang matukoy ang mga nasa likod nito at mapanagot.

Naiulat na puwersahang pinadalo ang mga 4Ps beneficiary sa nasabing rally kapalit umano ng hindi pagbawi sa benepisyo ng mga ito sa programa. (Rommel P. Tabbad)

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla