Kapwa matatalo ang Pilipinas at China kapag hinayaan nilang bihagin ng iringan sa teritoryo ang gumagandang relasyon nila, sinabi ng pinakamataas na Chinese diplomat sa bansa.

Aminado si China Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na dapat na patuloy na pagtuunan ng dalawang bansa ang pagpapabuti sa bilateral at economic relations na kapwa pakikinabangan ng dalawang panig.

“The problems we have, in my own thinking, only constitute one percent of the overall bilateral relationship. We cannot allow the 1 percent to take the 99 percent as a hostage. That is a lose-lose situation,” aniya sa news conference sa Palasyo.

Nasa Malacañang ang Chinese envoy upang ibigay ang 450 portable radio kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar bilang bahagi ng communications cooperation agreement na nilagdaan ng dalawang bansa noong nakaraang taon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inilarawan ni Zhao si Pangulong Rodrigo Duterte na “very wise” at “pragmatic” matapos tiyakin ng Pangulo na isusulong ang magandang relasyon sa China sa kabila ng mga hindi naresolbang mga isyu sa agawan ng teritoryo.

“What is more important by enhancing cooperation in economic trade, infrastructure, tourism, the Filipino people can benefit more from a good and cooperative relationship with China. In that sense, I totally agree with your President,” aniya. (Genalyn D. Kabiling)