CONCEPCION, Tarlac – Masusing sinisiyasat ngayon ng mga awtoridad ang tungkol sa isang 57-anyos na lalaki na walang awang pinagbabaril sa harap ng kanyang dalawang apo sa Barangay San Agustin sa Concepcion, Tarlac, nitong Linggo ng hapon.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan si Edwin Garcia, may asawa, ng Magsaysay Street, Bgy. San Miguel, Tarlac City, at kaagad na nasawi.

Sa imbestigasyon ni PO1 Emil Sy, dakong 5:30 ng hapon at sakay sa tricycle si Garcia, kasama ang dalawang apo, para ihatid ang mga ito sa Bgy. San Agustin nang pagbabarilin siya ng dalawang armado.

Hindi naman nasaktan ang dalawang bata sa insidente. (Leandro Alborote)

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City