McCoy copy

HINDI maganda ang ipinakitang ugali ni McCoy de Leon sa national television nang ma-evict si Elisse Joson sa Pinoy Big Brother nitong nakaraang Linggo.

Naintindihan namin ang damdamin ni McCoy dahil nga special girl si Elisse sa kanya, pero sana magaan niyang tinanggap ang pasya ng taumbayan na bumoto para ma-evict ang dalaga.

Hindi maganda ang ipinakitang reaksiyon ni McCoy nang dumaan sa harapan niya si Cora Waddell na nakatunggali ni Elisse sa botohan for eviction. Ang sama ng tingin niya, as in tiger look, samantalang binati naman siya ng lahat nang unang tawagin para mapasama sa Top 7.

Human-Interest

'Bahay Pangulo' sumailalim sa renovation; personal touch ni FL Liza

Ano ba ang akala ni McCoy, ang galing-galing ni Elisse sa loob ng Bahay ni Kuya? Kung tutuusin nga, silang magkasintahan ang dapat ma-evict dahil hindi naman sila kagalingan. Masuwerte lang siya at iniligtas siya ni Nikko na nagpakitang-gilas sa lahat ng mga pagsubok.

Ipinakita rin ni Nikko na marunong siyang umarte bilang bading sa skit nila kasama sina Maymay, Edward, Cora, Yong, Elisse at McCoy.

Sa mga nabanggit, sina McCoy at Elisse ang walang acting, considering na sila pa nga ang artista na sa grupo.

Maintindihan namin si Yong dahil wala pa naman siyang experience sa harap ng camera.

Sayang, gusto pa naman namin si McCoy dahil nu’ng ma-interview namin siya noong bago pa lang ang Hashtag ay napakagalang niya, masipag at malapit sa pamilya. Sabi pa nga namin, sisikat siya basta’t positibo lagi ang attitude.

Pero sa ipinakita niya noong Linggo sa eviction night ng PBB ay nawalan kami ng gana. All throughout, nakasimangot siya o galit pa yata. Masuwerte siya, nadala siya ni Nikko.

Sana next eviction, siya na ang sumunod na palabasin.

Sumayaw na lang siguro si McCoy, mas nag-i-excel siya roon kaysa pag-arte. (REGGEE BONOAN)