JIM copy

HINDI pinagsisisihan ni Jim Paredes ang pagkompronta niya sa sinasabing supporters ni Pangulong Rody Duterte. Tinawag na “duwag” ni Jim Paredes ang mga ito nang sumugod sa EDSA rally last Saturday habang idinaraos ang paggunita sa ika-31 anibersaryo ng 1986 People Power Revolution.

Marami ang nagsasabi na nagpunta sa EDSA rally ang naturang supporters ni Pangulong Duterte para mang-inis o galitin ang mga kritiko ng pangulo.

Pahayag ng isa sa tatlong miyembro ng iconic na Apo Hiking Society, nais lang naman niyang makipagdebate sa mga ito kaya hindi matatawag na “bullying” ang ginawa niya.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

“I wanted to debate. They answered with a troll accusation that I was Aussie which was not true. ‘Tapos ‘di na sila makasagot. I argued with them. What was wrong with that? If they can dish it, they can take it. They went there to provoke,” paliwanag ni Jim.

Dagdag pa ng beteranong singer/composer, may karapatan din namang pumunta sa EDSA rally ang nakaalitan niyang supporters ni Duterte.

“Tama naman. They have a right to be there. I have a right to argue with them. That is a democracy. They were there to provoke,” sey pa ni Jim.

Naging viral ang video ng komprontasyon ni Jim Paredes sa grupo at pinag-uusapan ito ngayon ng pro at anti-Duterte groups.

Marami ang natanggap na suporta si Jim at marami rin ang pumuna sa ginawa niya, kasama na sina Elizabeth Oropesa at Arnell Ignacio na naghamon ng debate sa kanya.

Ayon kay Elizabeth, si Jim Paredes daw ang duwag at hindi ;yung mga kapwa niya maka-Duterte na sumugod sa EDSA.

“Alam mo ang lumalabas, ikaw ‘yung duwag. I’m so disappointed. ‘Yung gusto mo, igagalang pa rin kita, eh. Hindi ko maubos maisip na magagawa mo ‘yon. Kapag tayong dalawa ang nagkaharap, hihintayin ko lang kung gagawin mo rin sa akin ‘yon.

“Hindi lahat ng tao ay kaya mo. Baka makatapat ka ng isang taong hindi ka sasantuhin. Maraming gustong maghamon sa’yo,” sabi ni Elizabeth sa isang interview.

Idinagdag pa ng dating bold star na fan daw talaga siya ni Jim Paredes.

“Ang hirap sa kanya, eh, parang wala siyang pinagkatandaan,” lahad pa rin ni Elizabeth.

Ayon naman sa itinalagang AVP for the community Relation and Services Department ng Pagcor na si Arnell Ignacio, willing siyang harapin para sa isang debate si Jim.

“Kilala n’yo ako, kahit saan ako ilagay, haharap ako. Hinahamon ko si Jim Paredes na magdebate kami o magharapan,” sey ni Arnelli.

Malakas daw ang loob niyang maghamon ng debate kay Jim dahil hindi dapat iyon ginawa ni Jim sa Duterte Youth.

(Jimi Escala)