Inisnab ng kampo ni dating First Lady at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos ang pagdinig kahapon ng Sandiganbayan sa kasong graft na 26 na taon nang nililitis ng hukuman.

Dahil dito, nagbanta ang 5th Division ng anti-graft court na iko-contempt of court ang abugado ni Marcos na si Robert Sison kung hindi ito makakapagpaliwanag sa hindi pagdalo sa paglilitis. Muling itinakda ng korte ang pagdinig ngayong Martes.

Isinampa ang kaso noong 1991 kaugnay sa umano’y pagtatatag ni Marcos ng ilang foundation sa Switzerland at pagkakaroon nito ng financial interest sa mga pribadong negosyo noong siya ay miyembro ng Interim Batasang Pambansa mula 1978-1984. (Rommel P. Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'