Pinatalsik sa majority block at tinanggalan ng committee chairmanship ang mga miyembro ng Liberal Party (LP) at mga kaalyado ng partido matapos na magpahayag ang mga ito ng suporta sa detinido na ngayong si Senator Leila de Lima.

Sa mosyon ni Senator Manny Pacquiao, idineklara niyang bakante ang posisyon ni Senate President Pro Tempore Franklin Drilon.

Ipinabakante rin niya ang chairmanship ng Senate committee on agriculture ni Senator Francis Pangilinan, committee on health ni Senator Risa Hontiveros, at committee on education ni Senator Bam Aquino.

Hindi naman kumontra ang mga sinibak na senador.

National

ICI, nag-sumite ng report mula Setyembre 2025 hanggang Enero 2026 kay PBBM!

Si Senator Ralph Recto, na dating minority leader, ang pumalit kay Drilon bilang Senate President Pro Tempore, si Sen. Cynthia Villar ang bagong chairman ng committee on agriculture kapalit ni Pangilinan, habang si Sen. JV Ejercito ang humalili kay Hontiveros bilang chairperson ng committee on health, at si Escudero ang bagong committee on education chairman kapalit ni Aquino.

Inirekomenda naman ni Recto na si Senator Antonio Trillanes IV ang maging leader ng minorya, na kinabibilangan na ngayon nina Drilon, Aquino, Pangilinan, Hontiveros at posibleng maging si De Lima.

“For the record, the re-organization has nothing to do with the committee performance,” sabi ni Aquino. “If this is the price I have to pay for attending the EDSA (People Power) rally it’s okay.” (LEONEL M. ABASOLA)