Pinayuhan ni Senator Grace Poe si Justice Secretary Vitaliano Aguire II na umaktong kalihim at hindi “perya barker” matapos tanungin ng huli ang mga raliyista sa Quirino Grandstand nitong Sabado kung sino ang isusunod kay Senador Leila de Lima.

Aniya, hindi asal ng isang matinong kalihim ang mag-udyok sa taumbayan at kung patuloy itong gagawin ni Aguirre ay lumalabas na hindi siya angkop sa kanyang trabaho.

“To say that you have been carried away by the cheers is no excuse. A justice secretary should be made of sterner stuff, one who is never swayed by partisan provocation, because when he does, he betrays his oath and renders his very own self unfit for the job,” ani Poe.

“This is a gentle reminder to the Justice Secretary: You are expected to administer justice fairly and not to moonlight as a perya barker who agitates the crowds. That high office entails prudent decision-making which is not served by tasteless stunts that incite the mob,” dagdag niya.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Samantala, dumepensa naman si Aguirre na biro lamang ang kanyang pahayag noong Sabado.

“Kapag sa political rally parang entertainment lang ‘yan, eh,” depensa ni Aguirre. “Parang wala na silang sense of humor. They are making a mountain out of a mole hill.” (Leonel Abasola at Beth Camia)