SANTA IGNACIA, Tarlac – Anim na katao ang nasugatan makaraang magkabanggaan ang isang motorsiklo at isang tricycle sa highway ng Barangay Padapada sa Santa Ignacia, Tarlac, nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay PO2 Kevin Breis, nasugatan sa banggaan sina Marvin Valencia, 30, driver ng Kawasaki Wind tricycle (CH-4084), ng Bgy. Padapada; Ireneo Abalos, Sr., 67, driver ng Rusi motorcycle (CA-33567), taga-Bgy. Calayaan, Gerona.

Nasugatan din ang asawa ng tricycle driver na si Ergine Happy Valencia, 30; mga anak nilang sina Vhenjyn Joy, 13; at Maria Vhenyce, 8; at si Danny Ramos, 62, ng Bgy. Santo Domingo, Tarlac City.

(Leandro Alborote)
Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City