CITY OF ILAGAN, Isabela - Tinatayang mahigit 40 atleta at ilang opisyal ng Santiago City, Isabela na dumalo sa Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) Meet 2017 ang isinugod sa pagamutan at inoobserbahan kasunod ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka at panghihina.

Sa panayam kahapon ng Balita, kinumpirma ni Paul Bacungan, information officer ng Ilagan City, na may mga naisugod sa pagamutan.

Inaalam pa kung food poisoning ang dahilan ng pagkakaospital ng mga biktima, o kung may napanis na pagkain sa mga inihain sa event.

Nabatid na ang mismong delegasyon ng Santiago City ang naghanda ng mga pagkain.

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

Sinabi ni Bacungan na matindi ang init ng panahon kahapon, at maaaring nakaapekto rin ito sa kalusugan ng mga biktima.

Ayon sa report, dakong 8:00-11:00 ng gabi nitong Linggo nang rumesponde sa insidente ang Ilagan City Disaster Risk Reduction and Management Council.

Nagsimula nitong Pebrero 22, matatapos ang CAVRA Meet 2017 ngayong Martes, Pebrero 28. (Liezle Basa Iñigo)