UPPER_270217_Karingal_Cruz-07 copy

Panibagong limang indibiduwal ang nalambat ng Quezon City police dahil sa umano’y pagbebenta ng mga armas at ilegal na droga. Ngunit kalaunan ay inatake at namatay ang isa sa kanila, ayon sa pulis.

Inaresto ang mga suspek na sina Vien Michael Riva, 35; Jonathan Diestro, 42; Romil Treñanes, 28; Noel Tumaliwan, 50; at Cecille Nillo, 42 sa matagumpay na operasyon ng Quezon City Police District’s Special Operation Unit (QCPD-DSOU) na sinimulan bandang 8:50 ng gabi kamakalawa. Hawak nila ang iba’t ibang klase ng armas at ilegal na droga na nagkakahalaga ng P750,000.

Ayon kay QCPD chief Senior Supt. Guillermo Eleazar, isang asset ang nag-tip sa kanila nitong Sabado hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek, partikular na ang pagbebenta ng mga baril sa Fort Santiago Street, Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Totoo bang nangangamatis ang bagong tuling ‘pututoy’ kapag nakita ng babae?

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang mga tauhan ng DSOU, sa pamumuno ni Police Supt. Rogarth Campo, at agad rumesponde sa nasabing lugar at ikinasa ang entrapment operation na ikinasorpresa ng mga suspek.

Ikinulong ang mga suspek sa DSOU office sa Camp Karingal at dakong 3:45 ng umaga, inatake at namatay si Tumaliwan.

“His cohorts said he had asthma, another said it was (heart) attack. We don’t know yet,” ayon kay Eleazar.

Nakumpiska sa mga suspek ang Mitsubishi Mirage G4 (ABG 5873); caliber .45 na baril, P5,000 cash, mga pakete ng shabu at iba’t ibang klase ng baril. (Vanne Elaine P. Terrazola at Jun Fabon)