ZAMBOANGA CITY – Dalawang bilanggo sa Zamboanga Del Norte Provincial Jail ang tumakas sa kanilang bantay habang kapwa sila naka-confine sa Zamboanga del Norte Hospital, nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa Dipolog City Police, nangyari ang insidente dakong 3:50 ng hapon nitong Linggo habang naka-confine ang dalawa sa Zamboanga del Norte Hospital sa Sicayab Street sa Dipolog City, dahil sa almoranas at constipation. Kinilala ng pulisya ang mga pumuga na sina Joey Sarigumba, 32; at Winifredo Luminarias, 33, kapwa nahaharap sa kaso ng droga.

Ayon sa pulisya, ineskortan ni Abraham Antiquina, provincial guard, ang dalawang bilanggo sa ospital para magpasuri ngunit tinakasan siya ng mga ito. (Nonoy E. Lacson)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar