Suportado ng isang power sector watchdog ang ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema na humahadlang sa Department of Energy (DoE) at Energy Regulatory Commission (ERC) sa pagpapatupad ng mga bagong polisiya hinggil sa Retail Competition and Open Access.

Ayon sa Bantay Kuryente, ikinatutuwa nila ang pagkilala ng mataas na hukuman na ang petisyon ay para sa kapakinabangan hindi lamang ng mga petitioner, commercial at industrial establishment, kundi maging ng consumer rin.

“If implemented, the policy will only result in higher electricity prices for consumers and businesses alike,” sabi ni Bantay Kuryente Secretary General Pet Climaco.

Nauna rito, naghain ng petisyon ang Philippine Chamber of Commerce & Industry, Ateneo De Manila University, San Beda College-Alabang at Riverbanks Development Corp. sa SC laban sa naturang mga bagong polisiya kaya nagpalabas ng TRO ang mataas na hukuman. (Mary Ann Santiago)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'